Feeds:
Posts
Comments

magkukwento ako

Ang tagal bago nag-sink in sa akin na magdedefend na pala kami ng thesis. Hindi ko talaga naimagine na dadating ang araw na ito sa buhay ko. At ayun nagdefend na nga kami. Lahat ng stress na naipon ko sa loob ng tatlong buwan, lahat ng paglalakad, pagtakbo, pagtawag, pagteks, pagpapapirma, paghahanap, pag-iisip, pagmamakaawa, pagrarant kay ayn at dohna at hogi, pagdadrama sa therapist kong si kuya rommel (pumepersonal mode pa), pag-ngarag ke jenny, pangtetensyon ni mam armi, lahat ng usok na sinagap ko sa Maynila, lahat ng resibo sa starbucks, lahat ng MRT card na naubos, mga tsinelas na napudpod, fats na naburn (char), lahat ng namiss kong araw na dapat may blush on ako pero hindi ako naglagay (kababawan lang), lahat ng yan.. ngayon sumasabog sa porma ng LAGNAT, UBO, AT SIPON.

Dalwang araw bago ang defense namin ni AB, naging Cup D na ako dahil sa kaba sa dibdib ko. Dug Dug Dug Dug lang ang tunog niya. Kakabugin talaga ang kay Lhalie Castillo, pramis. with matching sakit ng ulo pa. Naiinis na nga sa akin si Ayn dahil masyado akong tensyonado e ni wala pa nga yung moment e. Siguro talagang hindi lang ako confident sa pelikula namin. Siguro kasi alam kong hindi ako umeffort masyado para pagandahin ito. Siguro kasi at some point naging nega na lang ako at nadrain na rin. Pero ayun na e, tapos na e.

Magkakapit kami ng kamay ni AB habang pinapalabas ang Ikalawang Tagpo. Naramdaman ko ang baba ng energy sa loob ng sinehan. Naramdaman kong na-bobore na sila at gusto na nilang bumorlog. Naramdaman ko kaagad ang pagmbabalaj ng panel kahit wala pa kami sa podium. Nakita ko na kaagad ang pag-iling sa mukha ni Ma’am Anne at Ma’am Libay.

Ang sabi ko sa sarili ko himala na lang kung may marinig akong CONGRATULATIONS (kasi pag may congratulations ibig sabihin lumelebel ka lang ng at least above average)

At ang sabi nga sa HIMALA, ang HIMALA ay nasa puso ng tao, ang bawat puso ay pugad ng HIMALA.

May puso pa pala ako. At may pugad pa. Ng HIMALA.

Sumalang na kami ni AB. Nagpakilala. Nakita ko na ang mukha ni Ma’am Anne, hindi ko  maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pagkunot niya ng noo habang tinitingnan yung concept paper namin sa harap niya. Nairita ba siya sa pelikula namin o kaya naman may PMS siya o kaya naman madilim lang sa theater at malabo lang ang mata niya.  Ganon.

Mga 15 secs na katahimikan rin yun matapos ang kaunting palakpakan. Tapos biglang tumunog ang chorva ng mic. Ayun na. Sound epeks. Hinanap ko kung sino yung magsasalita. Si Sir Campos. Siya na never kong naging teacher. At siya na alam kong walang konsepto ng existence ko sa Film Insitute.

At ang sabi nga sa HIMALA, ang HIMALA ay nasa puso ng tao, ang bawat puso ay pugad ng HIMALA.

May puso pa pala ako. At may pugad pa. Ng HIMALA.

Ang bungad niya “congratulations”. Tapos non, wala na akong natandaan.

Ay meron pa pala, ayaw ko lang sigurong alalahanin kasi guilty ako. ahahaha. Syempre pinoint out niya ang napakaobvious na weakness ng aming pelikula, ang sound. Na sa tingin ko ay ako ang may kasalanan pero wala ng panahong magsisi kaya go lang nang go. Pero aayusin ko yun pramis, sa June.

Basta masarap pakinggan yung congradulations, nakakaHIGH. Yun yung pakiramdam ko pagkatapos naming i-shoot ang Ikalawang Tagpo, HIGH NA HIGH.

Nagustuhan niya ang cinematography (ehem kuya rommel) at ang production design (ehem asta) at ang direksyon (ehem dohna) at ang score (ehem ayn).

Pero ang pinakagusto ko sa lahat ng nagustuhan niya ay ang sinabi niya tungkol sa kung paano naidikit ng maayos ang buong konsepto ng teatro o ng entablado sa isang 14-minute na pelikula. (May german expressionism at french eklavu pa siyang sinabi.) Natuwa ako kasi somehow lumabas yung puso ng pelikula, yung parte ng puso ko bilang isang inactive na thespian wahahaha..Nahaks. Chochal.

And por dat nais kong pasalamatang muli ang mga kaibigan namin ni AB na tumulong at sumuporta sa aming pelikulang Ikalawang Tagpo. Antayin nyo at magkakaron tayo ng Ikalawang Tagpo. ahaha.

Salamat talaga sa pagpapabentahose. At patawad kung naoverbentahose kayo. Aminin nyo, masaya naman siya.

Oh siya, papahinga muna ang maysakit at may jetlag at may paper na dapat gawin. Baboo!

***
Namimiss kita. Hindi ko alam kung paano o bakit at bakit ikaw pero namimiss talaga kita. Sana pwedeng mangyari ang imposible para mamiss mo rin ako.

Bwahahaha. Kaswal lang.

Advertisements

I. Never. Said. Never.

Choose your words.

Thanks for the box of tears for my birthday.

sakto lang

this is

precisely why i didn’t want to open this blog.

… if you know what i mean.

pito

nakapitong attempts na akong magsulat dito.

pero di ko magawa.

wi-high

Lappie is right now enjoying the perks of free wireless connection. Thank you good neighbor. Thank you.

boredom strikes back

I don’t know if I made a mistake in sending this stranger a message. He’s not really a total stranger because technically I know who he is and the one whom he is related to. Hmm…

Do you ever get this peculiar urge to do something that you don’t really want to do but you just do it anyway because of boredom? Me, I do. Err.

So here’s the story:

Father + Son = never met each other

Son = found father

Son = didn’t want to message Father

Friend =  (me) had just messaged Father

I wasn’t even part of the equation.

This morning my friend texted me and said “Mimay, nagmessage ka ba kay (insert name)???”. Hmm…  I wanted to deny but I couldn’t, hahaha. So I just said “Ay.” to be safe. Apparently, his dad messaged  him through myspace. Lo and behold what was written as the subject: “FROM MIMAY”

 TRAIDOR ampotah. 

I think I had better not pry into other people’s personal affairs. I think.